Hihintayin mo pa bang matapakan?

The following article is a revised version of an article submitted in August 2004 to the Gerona town website (pen name: Lapis at Papel)

For an English version, please contact the author.

“Tapakan mo ang paa niya at aaray din yan…”

Kung ang mga Pranses ay may ‘bon jour’, at ang mga Kastila ay may ‘hola’. Ang mga Italyano ay meron namang ‘ciao’ at ang mga Pilipino ay may ‘hello’. Bakit kaya di natin ginagamit ang ‘kumusta’ o di kaya’y ang ‘mabuhay’? Ito ba ay dahil mas nakagawian na natin ang magsabi ng ‘hello’ o ‘hi’? O dahil ang salitang Ingles ay mas tanggap ng lipunan at mas sosyal o edukadong pakinggan?

 

Marami sa ating mga Pilipino ang may mentalidad na ang taong gumagamit ng ating sariling wika ay di kasing galing ng isang Inglesero. Malimit nating naririnig, “Magaling ang guest speaker nila kasi pure English ang speech niya”. Marami sa mga namamahala sa ating mga paaralan ay mabibilang sa mga taong ito. Ilang pagtatapos na ang ating nasaksihan na ang valedictorian ay nagbigay ng speech, samantalang ang salutatorian ay nagbigay ng talumpati? Bakit di magtalumpati ang valedictorian at mag-speech ang salutatorian? Dahil nga siguro mas kahanga-hanga ang nag-i-Ingles.

Hindi naman ako tutol sa mga Pilipinong nagsasalita ng wikang banyaga. Sa katotohanan, ang abilidad nating mga Pilipino na magsalita ng Ingles ay isa sa mga dahilan ng laganap na pag-angkat ng lakas-tao mula sa ating bansa. Dahil sa kakayahan nating magsalita at umintindi ng Ingles, mas pinapaboran ng mga bansang tulad ng Estados Unidos, Inglatera at Eire ang ating mga manlalaot, inhinyero, katulong, narses, manggagamot, yaya, at iba pa kumpara sa ibang lahi. Sa Europa, marami ang bilingual at multi-lingual. Sa dami ng iba’t-ibang wika sa dakong ito, marami ang nagsusumikap na matutunan ang salita ng ibang lahi. Malaki ang natutulong nito sa paghahanap ng trabaho at komunikasyong pangangalakal. Ngunit tingnan natin ang mga Pranses kung paano nila mahalin ang kanilang wika. Sinisikap nila itong matutunan ng ibang lahi at maging ng buong mundo. May tiwala sila na ang kanilang wika ay di mas mababa sa salitang Ingles. Ginagamit nila ito nang may pagmamalaki.

Ilan na nga ba sa atin ang naging malansang isda, na di na nagmamahal sa ating sariling wika? Mahirap mang tanggapin ay marami sa atin ang halimbawa ng tinutukoy ng ating bayaning Jose Rizal. Tulad ng ating bandila, ang Filipino (Tagalog) ay simbolo ng ating pagiging Pilipino. Mahalin natin ito at ipagmalaki.
“…hihintayin mo pa bang matapakan ang iyong paa?”

Advertisements

3 thoughts on “Hihintayin mo pa bang matapakan?

  1. Anonymous

    Tandang-tanda ko pa noong unang taon namin dito sa Estados Unidos; pumunta kami sa isang Filipino store. Apat na taon si Sam noon at hindi pa marunong mag-Ingles. Sa loob ng tindahan habang kinakausap nya (Sam) kaming mag-asawa sa wikang tagalog ay tinanong ako ng may-ari ng tindahan, “Ay, bakit Tagalog pa rin ang salita nya?”. Ang tanging sagot ko ay, “Dahil nais po namin na hindi nya makalimutan ang ating sariling wika”. 🙂

    Like

    Reply
    1. MT Post author

      Ang pinakamadaling stage para matuto ng ibang wika ay yung younger years. Sa opinyon ko, tama yung ginawa ninyo kasi asset yung kaya ng bata na makipag usap sa mga kalahi nya sa sariling wika nila. At saka para pag umuuwi sya ng Pinas, kaya pa rin nyang makihalubilo sa mga tao.

      Like

      Reply

Tell me what you think!

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s